Bumagal pa ang inflation rate ng bansa sa nakalipas na buwan ng Marso.
Mula sa 2.6 percent na naitala noong Pebrero, nasa 2.5 percent lang ang naitala para sa buwan ng Marso.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation rate ang basehan ng pagbilis o pagbagal sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa o partikular na komunidad.
Mas mabagal din ang March 2020 rate kung ihahambing sa March 2019 na may 3.3 percent inflation.
“The headline inflation in the Philippines decelerated further to 2.5 percent in March 2020, from 2.6 percent in the previous month. Inflation in March a year ago was higher at 3.3 percent,” saad sa pahayag ng PSA.
Sinasabi ng ilang analyst na ang mabagal na paggalaw ng presyuhan sa merkado ay sinasabing naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine.