-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Gorio ang lakas nito habang ito ay nananatili sa extreme northern Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa may 910 kilometers ng silangan ng Extreme Northern Luzon.

May taglay pa rin ito na lakas ng hangin ng hangang 110 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 135 kph.

Inaasahan na ito ay magla-landfall sa northeastern Taiwan sa Miyerkules ng hanpo at makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa gabi ng Miyerkules.