Napanatili ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa buwan ng Abril, 2021.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at national statistician Claire Dennis Mapa, naitala sa 4.5% ang inflation na kapareho ng inflation record noong Marso.

Pero kung titingnan sa data noong nakaraang taon na 2.2% lamang, hindi hamak na mas mabilis ang naranasan ngayong taon.

Dahil dito, ang year-to-date inflation na nasa 4.5% ay lagpas pa rin sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4% lamang.

Pero sa tingin ng economic managers, normal lamang ito, lalo’t nagkaroon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig na lugar.