-- Advertisements --

Pumalo na sa 7,595,646 ang mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Ang 3,276,602 (98%) sa nasabing bilang ay mayroong mild condition, habang ang 53,902 (2%) ay nasa serious o critical.

Sa record ng mga bansa, Estados pa rin ang pinakamataas na kaso ng COVID-19, kung saan 2,089,701 sa mga ito ang infected at 116,034 naman ang mga nasawi.

Ang kabuuang tala naman ng mga namatay dahil sa virus ay 423,811.

Gumaling naman sa nasabing sakit ang 3,841,331 katao sa iba’t-ibang bansa.

-- Advertisement --