-- Advertisements --

Kuntento si Pangulong Marcos sa progreso ng construction ng Metro Manila Subway.

Personal na nagsagawa ng inspeksyon ang Pangulo kanina at kaniyang nakita ang progreso nito.

Ayon sa Pangulo, target na mapasinayaan ang unang phase ng Metro Manila Subway ang Valenzuela Ortigas Station sa taong 2028.

” Sana matapos natin ito hanggang sa Valenzuela, baka matapos natin ito ‘28. Baka puwede nang in-inaugurate sa 2028. Basta tingnan natin,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi naman ng Pangulo na kapag nakumpleto ang buong linya ng subway mula Valenzuela hanggang sa NAIA sa paranaque, ang dating dalawang oras na biyahe ay magiging 40 minuto na lamang.

Pinuri ng Pangulo ang mga experto na mga Japanese engineers sa pangunguna sa construction at kaniyang nakita ang takbo ng operasyon ng tunnel boring machine na maayos naman at mabilis ang trabaho.

Ipinunto ng Pangulo na tama ang kanilang kinuhang partner ang Japan para sa construction ng subway.

” Ito ‘yung ating Subway Project na mapabuti natin hanggang itong phase na ito hanggang Valenzuela. Ngayon, pagka nabuo na ito, ang travel time mula sa Valenzuela hanggang sa airport ay sa kasalukuyan mga dalawang oras ‘yan eh dalawang oras at kalahati. Kaya mababawasan ‘yan mga 40 minutes na lang. Kaya napakalaking bagay ‘pag na-approve natin ito,” pahayag ni Pang. Marcos.