Umaabot na sa 4,985,825 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Nasa 2,657,069 (98%) sa mga nagpositibo ay mayroong mild condition at 45,426 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.

Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming COVID cases na aabot na sa 1,570,583, habang 93,533 naman ang naitalang namatay doon.

Samantalang ang mga nasawi sa buong mundo dahil sa virus ay 324,889.

Pero naka-recover naman ang 1,958,441 pasyente matapos ang gamutan at quarantine procedure.