Umaabot na sa 10,591,079 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Ang 4,220,244 (99%) sa mga ito ay nasa mild condition at 57,841 (1%) naman ang nasa severe o critical condition.

Nangunguna pa rin sa mga bansang may coronavirus ang Estados Unidos, pangalawa ang Brazil, pangatlo ang Russia, pang-apat ang India at panglima ang United Kingdom.

Pumapalo naman sa 514,021 ang mga binawian ng buhay dahil sa naturang sakit.

Habang ang mga naka-recover ay 5,798,973, matapos ang gamutan at quarantine procedure.