Pumanaw na ang sikat na actor sa India na si Chiranjeevi Sarja matapos na atakihin sa puso sa edad 39.

Kinumpirma ni B.S. Yediyurappa, chief minister ng Karnataka ang kamatayan ng actor.

Galing sa mga pamilyang artista ang actor kung saan ang siya ang apo ng beteranong actor na si Shakti Prasad at tiyuhin naman niya si Arjun Sarja.

Ikinasal naman ang actor sa actress na si Meghana Raj noong 2018.

Maraming mga kapwa artista nito sa India ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng singer.