-- Advertisements --
Inaprubahan na ng India ang kauna-unahang coronavirus test kit na sariling gawa nila.
Ayon sa Indian Council of Medical Research (ICMR) ito ang unang gawa na rapid coronavirus test kits.
Mula ito sa Delhi-based Oscar Medicare ang point-of-care rapid test na mayroong 97.66 % sensitivity na mas mataas sa ICMR requirement na 93% sensitivity.
Sinabi pa ni Anand Sekhri ang CEO ng Oscar Medicare, na hindi na kailangang gumamit pa ng PPE kites o mga highly-trained healthcare staff dahil ito ay parang ‘glucometer’ na ginagamit sa mga mayroong diabetes.
Sa loob lamang aniya ng 15 minuto ay malalaman na agad ang resulta.