Build Build Infra projects overpass DPWH DOTR

Tiniyak ni Public Works and Highways Sec. Mark Villar na “all systems go” at magtuloy-tuloy na ang “Build, Build, Build” program projects matapos luwagan ang mga quarantine protocols at may clearance na sa pagpapatayo ng mga infrastructure projects.

Ginawa ni Sec. Villar ang pahayag sa pagbubukas ng NLEX Harbor Link Project New Caloocan Interchange, C3 to Mel Lopez Blvd. (dating R-10) na inaasahang magbabawas ng mula 10 hanggang 15 minuto ang biyahe mula CAMANAVA papuntang North Luzon Expressway (NLEX).

Sinabi ni Sec. Villar, hahabulin nila ang mga implementation targets at sa susunod na mga buwan ay maraming proytekto ang tatapusin gaya ng ipinangako.

Ayon kay Sec. Villar, kailangan lamang ipatupad ang mga bagong regulasyon sa mga construction sites para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kabilang umano dito ang testing sa mga manggagawa bago pumasok sa mga sites at kapag nasa loob na ng site, hindi na sila pwedeng lumabas.

May clinic din daw sa loob ng site para ma-check ang kalusugan ng mga manggagawa at maagapan kung magkasakit.