Siniguro ng National Police Commission (NAPOLCOM) na magiging patas ang kanilang imbestigasyon laban sa 12 Pulis na dawit sa kaso ng mga missing sabungero’s.
Kung maaalala, pinatawan ng komisyon ang nasabing bilang ng mga pulis ng 90 days preventive suspension.
Sa isang pahayag ay sinabi ni NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, layon ng hakbang na ito na mapanatili ang integridad ng imbestigasyon.
Makakatulong din ito para maiwasan ang anumang impluwensya sa mga saksi at ilalatag na ebidensya.
Kabilang sa mga pinatawan ng suspension ay sina Police Colonel Jacinto Malinao Jr., P/LtCol Ryan Jay Eliab Orapa, P/Major Mark Philip Simborio Almedilla, at iba pa.
Sinampahan na rin ito ng mga kasong Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer.
Sila ay kabilang sa mga inakusahan ng whistle blower na si Julie ‘Dondon’ Patidongan na may kinalaman sa pagkawala at pagpatay sa mga nawawalang sabungero.