LAOAG CITY – Kinumpirma ng isang dating barangay chairman sa Barangay Francisco sa Dingras, Ilocos Norte na binantaan siya ng kasalukuyang vice mayor ng bayan na susunugin niya itong buhay.

Ayon kay dating Barangay Chairman Eulojio Calucag, tinawagan umano siya ni Vice Mayor Jeoffrey Saguid at pinagmumura at nagbanta na susunugin niya itong buhay matapos may nagsumbong sa bise alkalde na pinagmumura niya ang kanyang mga supporters sa kanilang barangay.

-- Advertisement --

Sinabi pa ni Calucag na kinagabihan matapos pinagmumura ng bise alkalde ay may nakamotorsiklo umano na pumunta at bumato sa kanilang bahay.

Dahil dito, pursigido si Calucag na magsampa ng reklamo laban sa nasabing bise alkalde.

Samantala, tinawagan ng Bombo Radyo ang bise alkalde para kunin ang kanyang panig subalit tumanggi muna itong magsalita hinggil sa alegasyon sa kanya ni Calucag.