Aasahan umano ang pagkakaaresto pa ng ilang showbiz personalities na sangkot sa iligal na droga sa susunod na mga araw.

Magugunitang nitong linggo, naaresto ang FlipTop rapper na si Loonie sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Makati City Police sa loob ng tinutuluyan nitong hotel sa Makati City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director-general Aaron Aquino, naka-pokus sa mga artista ang ilang nakaambang case operation plans sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Aquino, kabilang dito ang mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga sa kapwa artista lalo sa mga ginagawang party sa mga bars.

Una ng kinumpirma ng PDEA na ilang showbiz personalities ang minamanmanan ng PDEA dahil sa pagkakasangkot sa transaksyon sa iligal na droga.

Note: Please click above PDEA chief Aaron Aquino audio clips