VIGAN CITY – Patuloy umano ang pagpaparehistro ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ngunit, sinabi sa Bombo Radyo Vigan ni Comelec spokesman James Jimenez na naghihinay-hinay umano sila sa kanilang paghahanda para sa nasabing halalan dahil sa posibleng pagpapaliban nito sa 2022.
Aniya, mayroon umanong ilang bahagi ng kanilang paghahanda na hindi muna nila isasagawa sa ngayon kagaya na lamang ng pag-award ng bidding para sa mga kagamitan sa halalan.
Naiintindihan naman umano ito ng mga bidders na magkakaroon ng ilang adjustments ang Comelec sa mga ganitong pagkakataon.
Sa kabila nito, tiniyak ni Jimenez na nakahanda ang poll body sakaling matuloy man sa May 2020 o tuluyang maipagpaliban sa 2022 ang barangay at SK elections.