Naghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang miyembro ng girl group na Sexbomb na sina Aira Bermudez, Grace Nera at Jopay Paguia.

Hiling nila na agad na matukoy ng NBI ang fan na nang-haharrass sa kanila.

Malaki kasi ang paniwala nila na gumagawa rin ng pekeng social media account ang mga ito para sila ay i-bash.

Bukod pa dito ay ginagamit umano ang pangalan nila sa panloloko sa pamamagitan ng mga online transactions.

Inihalimbawa nila ay ang pag-oorder ng mga bagay at idedeliver sa kanilang mga kabahayan gamit ang kanilang pangalan.

-- Advertisement --