May ilang mga sensitibong dokumento ang nasira matapos ang pagsiklab ng sunog sa regional office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) in the Cordillera Administrative Region (CAR) sa lungsod ng Baguio.
Kinumpirma ito ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong , kungs saan mayroong ilang mga dokumento ang nadamay subalit hihintayin na lamang nila ang resulta ng imbestigasyon.
Una ng sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na apektado ang malaking vault kung saan nakalagay ang mga sensitibong dokumento ng DPWH.
Ang vault ay fire proof at ang laman ng mga ito ay duplicat copies ng DPWH kung saan ang orihinal na kopya ng mga ito ay naisumite na sa Commission on Audit.
Magugunitang sumiklab ang sunog sa Regional Office ng DPWH nitong araw ng Miyerkules na naapula naman agad ng mga kasapi ng BFP.
















