-- Advertisements --
Ilang mga preso ang nabigyan ng presidential pardon ni US President Donald Trump.
Kabilang dito ang pagpapalaya kay dating Illinois Governor Rod Blagojevich.
Si Blagojevich na isang Democrat ay nanilbihan ng 8 taon sa kaniyang 14 taon na sentensiya dahil sa kasong may kinalaman sa korapsyon.
Kasama rin na nabigyan ng pardon sina New York police commissioner Barnie Kerik na convicted sa tax fraud; Mike Milken, isang investment banker na kilala bilang si “Junk Bond King” at Eddie DeBartolo Jr., dating may-ari ng San Francisco 49ers na nag-plead guilty noong 1998 dahil sa bribery case.
Mayroong kabuuang 11 na mga convicted criminals ang nabigyan din niya ng pardon.