Ibinunyag ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman and Executive Officer Atty. Rafael Calinisan na mayroong dalawang grupo ang nagtatangkang impluwensiyahan sila para malihis ang imbestigasyon sa pagkakasangkot ng 12 aktibong pulis na sangkot sa nawawalang sabungero.
Tiniyak ng opisyal sa publiko na mayroong silang ipinapatupad na impartial investigation.
Dagdag pa ni Calinisan na yung isa umano ay ‘bigboss ‘ ng sabong at ang isang grupo ng mga local govenment executives.
May isang dating opisyal ng gobyerno na nais na linisin ang pangalan ng ilang pulis.
Giit nito na hindi ito pumayag dahil mayroong mahigpit na kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na walang anumang pagtatakip.
Natitiyak niya na hindi sila magpapa-impluwensiya at wala silang kinakatakutan at uurungan.