-- Advertisements --

Ipinanukala ng mga ahensiya ng gobyerno ang pagkakaroon ng P11 trillion na pagpondo para sa kanilang programa sa susunod na taon.

Sinabi ni Department of Budget and Management Undersecretary Goddes Libiran na kanilang ina-aral na ang lahat ng mga isinumiteng program ng mga ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng second tier ng pagproseso ng budget.

Dagdag pa nito na maraming mga ahensiya ng gobyerno ang nagtaas ng kanilang isinumiteng programa.

Paglilinaw niiya na kanilang ibu-budget ito base sa kung mayroong fiscal space at ang pag-apruba din ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Ngayong taon kasi ang budget submissions ay mas mataas ng 20 porsyento mula sa P9 trillion na kabuuang proposal noong nakarang taon.