Womens Football
Womens Football team/ IG photo

Sinalubong ng ilang libong fans sa New York ang United State’s Women’s World Cup champion.

Lulan ng floats at open-top bus ang mga manlalaro na nilibot ang malaking bahagi ng New York.

Sinamahan sila ni New York Mayor Bill de Blasio sa parada at matapos ay nagsagawa ng programa sa city hall.

Dito ay binigyan ng pagkilala ang U.S. Women’s football team.

Magugunitang tinalo ng USA ang Netherlands 2-0 sa laro na ginanap sa France.

-- Advertisement --

Ito na ang pang-apat na kampeonato ng team USA na ang huli ay noong 2015.