-- Advertisements --

Arestado ng National Bureau of Investigation ang tatlong indibidwal sa lungsod ng Pasay dahil sa paggamit ng pekeng dokumento sa kanilang pag-alis palabas sana ng bansa.

Kinilala ang mga ito na sina Rhea Borda y Macario, Nora y Pandi, at Baby Margarico na naaresto sa Ninoy Aquino International Airport.

Sila’y inaresto sa kasong paglabag ng Artcle 172 o ang ‘Use of Falisified Document’ ng Revised Penal Code.

Sa pag-iimbestiga ng mga tauhan ng NBI-International Airport Investigation Division, natuklasang sila ay naka-skedyul sanang umalis ng Maynila tungo bansang Hongkong bilang mga turista lamang.

Ngunit naharang ang dalawa sa mga ito ng Border Control and Intelligence Unit sa boarding gates ng paliparan habang ang isa nama’y hinarang din nang mainspeksyon.

Sila’y na-flag dahil sa pagprisenta ng kahina-hinalang pinekeng Overseas Employment Contracts (OECs).

Inamin ng mga naarestong indibidwal na sila’y na-recruit sa social media upang sana’y magtrabaho sa Cambodia bilang Customer Service Representatives (CSRs).

Samantala kabilang sa mga nakasuhan ay ang Immigration Officer na si Mohammad Rashid Madale Alonto na ngayo’y wanted.

Ang naturang opisyal kasi ang nagbigay ng ‘clearance’ sa tatlo sa immigration process para makalipad tungo Hong Kong.

Iprinesenta na ang tatlong naaresto para sa inquest proceedings ng falsification habang nakasuhan naman ang naturang opisyal ng paglabag sa Crybercrime Prevention Act of 2012 at The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.