-- Advertisements --

Hinikayat ng Philippine Tobacco Institute (PTI) ang gobyerno na dapat ay babaan nito ang buwis na ipinapataw sa mga tobacco products.

Ayon sa grupo na ang nasabing paraan ay para makabawi sa mga bumabang kita dahil sa patuloy na paglaganap ng mga iligal na bentahan ng mga tobacco.

Dagdag pa nila na kaya dumami ang mga iligal na nagbebenta mga tobacco ay dahil sa mataas na buwis.

Inilabas ng grupo ang panawagan bago talakayin ng Senate Ways and Means ang House Bill 11360 na humihirit ng ood-even scheme sa pagtaas ng tobacco excise tax ng dalawang porsyento kada even-numbered na taon at apat na porsyento kada odd-numbered na taon hanggang 2035.