Binaha ang ilang barangay ng Santa Maria, Bulacan dahil sa malakas na pag-ulan kagabi.

Ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga barangay na binaha ay ang Brgy. Poblacion, Guyong, Santa Cruz, Santa Clara at Caysio.

Umabot pa sa hanggang leeg ng tao ang lalim ng baha sa mbabang lugar sa Santa Maria.

Mabilis namang humupa ang baha pagkatigil na rin ng ilang oras na pag-ulan.