ROXAS CITY – Nakatakda umanong magpulong ang Liberal Party (LP) ngayong gabi kung saan pangungunahan ito ni Vice President Leni Robredo at ni LP President Kiko Pangilinan.

Ito ang inihayag ni Capiz 1st District Rep. Emmanuel Billones Sr. sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.

Ayon kay Billones, sa naturang pagpupulong ay posibleng talakayin ang ieendorso ng partido para sa House Speakership bid.

Nabatid na una nang inihayag ni Billones na wala siyang personal na karanasan patungkol sa ibinunyag ni dating House House Speaker Pantaleon Alvarez na “gapangan” ng P1-milyon sa bawat kongresista para makuha ang boto para sa House Speakership.

Sa ngayon, kabilang sa matutunog na mga pangalan sa House Speaker race ay sina Alvarez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Leyte Rep. Martin Romualdez.