JAKARTA, Indonesia – Pinayuhan ng kampo ni Indonesian President Joko Widodo ang nakatunggaling si Prabowo Subianto na idaan na lang sa legal process ang pagtutol nito sa resulta ng halalan.

Bago ito, maagang nag-claim ng muling pagkakaluklok sa pwesto ang Indonesian leader, makaraang magdaos ng halalan sa kanilang bansa.

Ayon sa analyst na si Achmad Sukarsono, dapat gumawa ng agarang aksyon ang kampo ni Widodo para patunayang hindi nagkamali ang mga tao sa pagsuporta sa kaniya.

Habang nangangamba naman ang mga eksperto sa posibleng epekto sa kalakalan ng bantang gulo ng mga kaalyado ng natalong si Prabowo.


-- Advertisement --