Tuluyan nang nag-inhibit si Muntinlupa Regional Trial Court Judge Abraham Joseph sa paghawak sa ikatlo at huling drug case ni dating senador Leila de Lima.
Ito ay matapos hilingin ng state prosecutor na i-inhibit nito ang kanyang sarili sa paghawak sa kaso ng dating senador.
Sa isang mosyon na inihain noong July 5, sinabi ng panel of prosecutor na si Judge Alcantara ang nagpawalang sala sa isa sa tatlong kaso ni de lima partikular na ang Criminal Case No. 17-165.
Iginiit ng prosecution na kinakailangang mag inbibit ni Alcantara sa kaso upang maalis ang duda ng impartiality at upang maalis ang impresyon ng pagkakaroon ng kaparehong desisyon na maaaring pumabor sa akusado.
Kung maaalala, naibigay kay Alcantara ang kaso matapos na mag inhibit ni Judge Romeo Buenaventura.
Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi siya pwedeng manghimasok sa kung paano hawakan ng state prosecutors ang kaso ni de Lima.