-- Advertisements --

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng mapayapang protesta para sa mga dadalo sa nakatakdang Trillion Peso March sa darating na Nobyembre 30.

Dagdag pa nito na nahahaluan lamang ng mga hindi kasama sa mapayapang kilos protesta kaya nagkakaroon ng kaguluhan.

Dahil sa mga nagdaang insidente ng kaguluhan ay hinikayat nito ang mga nagsasagawa ng kilos protesta na iwasan ang kaguluhan.

Tanging ang masasaktan lamang ay mga protesters at mga kapulisan na nagpapatupad ng katahimikan.

Magugunitang ilang mga kabataan ang inaresto dahil sa pagsira sa ilang gamit at pananakit sa mga kapulisan noong isinagawa ang unang Trillion peso march noong Setyembre 21 bilang pagkontra sa mga nagaganap na kurapsyon sa bansa.