Tinambakan ng Magnolia Hotshots ang Barangay Ginebra 106-77 para maitabla sa 1-1 ang best of three quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Mula pa noong unang quarter ay hawak na ng Hotshots ang kalamangan at hindi na nila hinayaan na mahabol pa sila ng Ginebra.

Nanguna sa panalo ng Magnolia si Ian Sangalang na nagtala ng 21 points at nine rebounds habang mayroong 18 points si Robbie Herndon.

Hindi naman maitago ni Magnolia coach Chito Victolero ang kasiyahan nito sa naging sipag na ipinakita ng kaniyang mga manlalaro para maitabla ang serye.