Magnolia hotshots
Magnolia Hotshots/ PBA image

Tinuldukan na ng Magnolia Hotshots ang kanilang tatlong sunod na pagkatalo matapos ilampaso ang Columbian Dyip 118-103 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Pinangunahan ni Romeo Travis ang panalo ng Hotshots na nagtala ng 28 points habang mayroong 24 points si Ian Sangalang habang mayroong 24 points si Ian Sangalang at 19 points kay Jio Jalalon.

Mayroo ng apat na panalo at apat na talo ang Hotshots habang mayroong apat na panalo at limang talo ang Dyip na nasa pangpitong puwesto.

Hindi naman nabigo si Magnolia coach Chito Victolero dahil mula pa sa umpisa ay sinabihan na niya ang kaniyang mga manlalaro na dapat maipanalo ang laro dahil nasa pang-pitong puwesto sila habang nasa pang-anin na puwesto ang Dyip kaya ng manalo sila ay nabaligtad na ang sitwasyon.

Nasayang naman ang ginawang 28 points ni CJ Perez at 26 points at 14 rebounds ni Khapri Alston.