-- Advertisements --

Nalusutan ng Magnolia Hot Shots ang matinding opensa ng Alaska Aces 84-82 para makuha ang ikalawang sunod na panalo sa PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bumida sa panalo si Ian Sangalang na nagtala ng 26 points, limang rebounds at dalawang blocks habang mayroong 16 na puntos ang nagawa ni Paul Lee.

Si Sangalang din ang naging bayani sa laro matapos na maipasok nito ang buzzer beater layup mula sa pasa ni Lee.

Mayroong 2-0 win-loss record ang Hotshots katabla ang Meralco Bolts at Rain or Shine.