-- Advertisements --

Binigyang linaw ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na maaring maimbestigahan si Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte kung ito ay sangkot sa anumang iligal na aktibidad.

Reaksyon ito ng NBI Director ukol sa naging pahapyaw ni Duterte na iniimbestigahan umano ang yaman ng kaniyang pamilya.

Giit ni Matibag na walan silang pinipiling tao kung saan kahit sino basta sangkot sa iligal ay kanilang iimbestigahan at kakasuhan.

Naniniwala naman ang NBI Director na hindi siya ang pinapatamaan ng mambabatas sa social media post nito dahil sa hindi naman nabanggit ang pangalan nito.