Tinambakan ng South Korea ang Gilas Pilipinas 81-55 sa kanilang unang Hana Bank Invitational sa Suwon bilang bahagi ng paghahanda para sa Asian Games.
Kapwa kasi kagagaling ang dalawang koponan sa katatapos lamang ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ang magkakasunod na tatlong three points ni Junghyun Lee sa last quarter ang siyang naging susi para lalo pang mapalayo ang kalamangan ng South Korea sa Gilas Pilipinas.
Mayroong nagawang 27 points si Lee kung saan umabot sa pitong 3-points ang kaniyang naipasok.
Nasayang naman ang nagawang 15 points, 10 rebounds at tatlong steals ni Justin Baltazar para sa Gilas.
Target ng Gilas Pilipinas na makabawi sa susunod na paghaharap nila sa araw ng Linggo.
Pagkatapos ang gaganaping exhibition games sa South Korea ay lilipad na patungong Japan ang Gilas Pilipinas para sa Asian Games na magaganap sa Aichi-Nagoya Japan.
















