-- Advertisements --

Nadagdagan ang kumpirmadong nasawi sa insidente sa Agana Bridge matapos matagpuan ang katawan ni Shanen Tuhao sa Barangay San Vicente, Bayambang, Pangasinan ngayong Martes ng hapon, Setyembre 1.

Kinumpirma ni Tarlac City Mayor Susan Yap ang pagkakatagpo kay Tuhao, na kabilang sa mga sakay ng MVP na bumulusok sa Tarlac River nang gumuho ang bahagi ng tulay noong Agosto 29.

Nauna nang narekober kahapon, Agosto 31 ang katawan ni James Patrick Taborlupa, isa rin sa mga sakay ng sasakyan.

Samantala, patuloy naman ang paghahanap sa dalawa pang nawawala, habang nagpapatuloy ang retrieval operations sa Tarlac River at mga karatig na lugar.