Patuloy ang search and retrieval operation para sa SUV na nahulog mula sa Agana Bridge at sa Tarlac River noong gabi ng Agosto 29, kasunod ng malakas na pag-ulan dulot ng habagat na nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng Central Luzon at Metro Manila.
Gumamit ng ang crane ang Tarlac Government upang maiangat at maiahon ang sasakyan mula sa ilog. Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang operasyon at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang maayos at mabilis na pagsasagawa ng retrieval operation.
Samantala, dalawa na sa limang pasaherong sakay ng SUV ang natagpuang nasawi. Ang labi ni James Patrick ay narekober sa Barangay Carael, Pangasinan, noong Agosto 31.
Noong Setyembre 1, narekober naman bandang alas-4 ng hapon ang labi ni Shanen Tuhao sa Barangay San Vicente, Bayambang, Pangasinan, ayon kay Tarlac City Mayor Susan Yap.
Dalawa pang pasahero ang nananatiling nawawala habang nagpapatuloy ang search, rescue, at retrieval operations.















