-- Advertisements --

Nasa South Korea na ang Gilas Pilipinas para magsagawa ng exhibition games sa araw ng Biyernes at Linggo.

Bahagi ito ng paghahanda ng national basketball team para pagsabak nila sa Asian Games sa Japan.

Kabilang sa mga napili na maglaro para sa Gilas Pilipinas ay sina Zavier Lucero, Jerrick Ahanmisi, Sedrick Barefield,Don Trollano, Adrian Nocum, Brandon Bates, Robert Bollick, Brandon Ganuelas-Rosser, Justin Arana, Justine Baltazar at RJ Abarrientos.

Sinabi naman ni Gilas coach Tim Cone na mayroong posibilidad na makasama si Justin Brownlee subalit wala pa itong katiyakin.

Hindi naman nito isinama si Jason Perkins sa inisyal na 30-man pool dahil sa dinaranas nitong injury.

Nasa Group C ang Gilas Pilipinas kasama ang bansang China, Bahrain at Kazakhstan sa Asian Games.

Gaganapin ang unang laro ng Gilas sa Setyembre 11 laban sa Bahrain habang sa Setyembre 12 naman ay makakaharap nila ang Kazakhstan at sa Setyembre 14 naman ay makakasagupa nila ang bansang China.