-- Advertisements --

Labis ang pasalamat ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone kay Kai Sotto matapos na magwagi sila sa dalawang laro sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ginawa ni Cone ang pahayag matapos ang panalo nila kontra sa Iran sa score na 68-56.

Ayon kay Cone na kung wala ang seven-foot-three na si Sotto ay malamang hindi nila matatalo ang Jordan at Iran.

Naging malaking tulong kasi Sotto para mahabol ang 13-points na kalamangan ng Iran.

Nagtala ito ng 13 points, 16 rebounds at tatlong assists ganun ang hindi makalimutang block niya sa manlalaro na Iran para makuha ang 82-81 na panalo.

Dagdag pa ni Cone na malaki ang kontribusyon ni Sotto lalo na at hindi nila nakasama si Justin Brownlee.

Sa buwan pa ng Nobyembre ang susunod na laban ng Gilas kung saan makakaharap muli nila ang Jordan at Syria.