-- Advertisements --

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City bilang paghahanda sa pagdaraos ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Nobyembre.

Gaganapin sa Metro Manila ang ASEAN Summit mula Nobyembre 13 hanggang 15, 2026, kung saan Pilipinas ang magiging host sa ilalim ng temang “Navigating Our Future, Together.”

Ayon sa Malacañang, bahagi ng inspeksyon ang paghahanda sa mga lugar na pagdarausan ng mga pagpupulong ng mga lider at delegado mula sa mga bansang ASEAN.

Patuloy din ang mga intergovernmental meeting bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaan sa summit.

Noong nakaraang linggo, muling binuksan ang inayos na Coconut Palace sa Pasay City.

Ayon kay Pang. Marcos, isinagawa ang rehabilitasyon nito upang madagdagan ang mga lugar na maaaring gamitin sa pagho-host ng ASEAN Summit.