-- Advertisements --

Pumirma na ng rookie extension contract ang bagitong forward na si Amen Thompson.

Nagkasundo ang kampo ni Thompson at ang Houston Rockets sa $208 million rookie-scale extension na magtatagal ng limang taon.

Naging malaking tulong ang bagitong forward para makuha ng Rockets ang magandang win-loss record nitong nakalipas na season at tuluyang umusad sa postseason.

Napanatili niya ang impresibong career average na 18.3 points per game, 5.3 assists per game, at 1.5 steals per game.

Siya rin ang nangunguna sa buong NBA sa may pinakamahabang oras ng paglalaro sa hardcourt sa 2025-2026 Season.

Dahil sa magandang defense performance mula nang makapasok siya sa liga noong 2023 bilang No. 4 overall pick, nagawa niyangagad makapasok sa NBA First Team All-Defense noong 2024-25.

Ayon kay Rockets General Manager Rafael Stone, ang kakayahan ni Thompson sa loob at labas ng hardcourt ang nagtulak sa Houston para alukin siya ng long-term contract.

Bago nito ay nagdagdag ang Houston ng iba pang defense specialist tulad nina Marcus Smard at Bogdan Bogdanovic, na magiging bahagi ng koponan sa susunod na season.