Curry, gumawa ng perfect performance sa panalo ng Warriors kontra Nuggets
Loops: GSW vs Nuggets (Oct. 27)
Gumawa ng perfect performance si NBA superstar Stephen Curry sa una nitong panalo ngayong season at tuluyang tambakan ang Denver Nuggets, 134-114.
Sa kabila ng limitadong pananatili ni Curry sa hardcourt, nakapagbulsa siya ng 24 points mula sa walong field goals na pinakawalan at pare-parehong naipasok.
Hindi rin pumalya si Curry sa 3-point line sa kaniyang tatlong attempts, kasama ang perfect 5 sa free throw line.
Naging dominante rin ang performance ng rookie na si Yaxel Lendeborg na kumamada ng 31 points, 12 rebounds, at anim na assists.
Sinira ng GSW ang momentum ng Denver sa kabila ng aggresibong 1st-quarter performance ng 2023 NBA champion. Natapos ang unang quarter na may 4 points deficit para sa Warriors ngunit agad itong nabura sa ikalawang quarter.
Hindi rin naging madali ang 1st half para sa Warriors dahil tanging 3 points lamang ang naipasok ni Curry.
Gayonpaman, nabuhayan ng loob ang GS matapos ang sunod-sunod na tira ni Curry sa 3rd quarter kung saan nagawa ng koponan na ipasok ang 40 points sa buong quarter habang tanging 28 points lamang ang sagot ng Denver.
Hindi na nakabangon pa ang Nuggets at sa pagtatapos ng regulation, pasan na nito ang 20-point deficit.
Sa kabiulang banda, ito ang ikalawang game ni Steph na nakagawa siya ng 100% overall performance. Nangyari ang una noong 2011.
















