Kumikilos ngayon si Senator Risa Hontiveros para pag-isahin ang oposisyon para sa ‘pinakamalakas na 2028 slate’
Sinabi ni Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros na pinagtitibay niya ang pagkakaisa ng oposisyon upang makabuo ng “pinakamalakas at pinakanapanalong” lineup para sa halalan sa 2028.
Ayon kay Hontiveros, layon niyang pag-isahin ang iba’t ibang opposition blocs at bumuo ng mas malawak na koalisyon na hindi lamang nakasentro sa “Kakampink” base. Bukas rin umano siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon, basta’t makakatulong sa pagbuo ng matatag na tiket.
Lumakas ang diskusyon sa 2028 race matapos hikayatin ni Sen. Kiko Pangilinan ang mga tagasuporta na kumbinsihin si Naga City Mayor Leni Robredo na muling tumakbo sa pagkapangulo, lalo na sa gitna ng kontrobersiya sa flood control corruption scandal.
Natalo sina Robredo at Pangilinan noong 2022 ngunit kapwa bumalik sa puwesto noong 2025. Sinabi ni Robredo noong tumakbo siya bilang alkalde na hindi niya gagamitin ang posisyon bilang “hakbang” tungo sa mas mataas na puwesto. (Report by Bombo Jai)
















