HK Protest
Hong Kong protest/ Twitter Image

Gumamit ang mga Hong Kong Police ng rubber bullets at tear gas laban sa mga pro-democracy demonstrators na nagtangkang pumasok sa Chinese government’s office.

Ito na ang pang-walong linggo na nagsagawa ng rally ang mga pro-democracy protesters dahil sa pagkontra sa extradition bill.

Sa pinakahuling kilos-protesta, sinakop ng ilang libong rallyesta ang malaking kalsada ng Sai Wan at Causeway Bay sa Hong Kong.

Nakasuot na ng helmets at protective gear ang mga nagsagawa ng kilos protesta at sumisigaw ng “Free Hong Kong”.

Hinarangan ng mga kapulisan ang ilang opisina ng gobyerno para hindi na pasukin pa ng mga nagsagawa ng rallyesta.