-- Advertisements --

Pinagbawalan ng Hong Kong ang mga pasahero mula sa Singapore na lulan ng Singapore Airlines hanggang sa kalagitnaan ng Abril.

Ito ay matapos na isang pasahero ang nagpositibo sa COVID-19.

Nitong Marso 31 kasi ay tatlong pasahero ng nasabing airlines ang nabigong mag-comply sa requirements na ipinapatupad sa ilalim ng Prevention and Control of Disease Regulation.

Aminado ang Singapore Airlines subalit nilinaw nila na hindi apektado ang mga flights na galing sa Hong Kong patungong Singapore.

Magiging epektibo ang ban hanggang sa Abril 16.

-- Advertisement --