Naghigpit ang Hong Kong sa pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar.
Kasunod ito ng pagtaas ng kaso ng coronavirus sa nasabing lugar.
Sinabi ni Hong Kong’s Chief Secretary Matthew Cheung , na bukod sa pagsusuot ng face mask ay pagbabawalan din nila ang pagsasama-sama ng mahigit sa dalawang katao.
Bawat lalabag sa nasabing protocols ay mumultahan ng nasa $645.
Hindi naman kabilang sa multa ang mga tao na may sakit at mga bata na edad dalawa pababa.
Inanunsiyo din nito ang pagtatayo ng Chinese central government ng Wuhan-style makeshift hospital malapit sa paliparan na mayroong 2,000 hospital beds.
Nangangamba ito na baka lalo pang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.
Itinuturing nila na isa na itong third wave dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.