Ang Severe Tropical Storm Fung-Wong, na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ay pinangalanan na ngayong Bagyong Uwan habang itinaas na ang Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
Batay sa pinakahuling ulat, ang sentro ng bagyong Uwan ay tinatayang nasa layong 1,175 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 110 km/h malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na hanggang 135 km/h.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 km/h, habang ang lakas ng hangin ay umaabot hanggang 780 kilometro mula sa gitna.
Signal No. 1:
Luzon:
Timog-silangang bahagi ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Calauag, Lopez, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco)
Silangang bahagi ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang)
Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate
Visayas:
Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte
Hilaga at gitnang bahagi ng Cebu (kasama ang Bantayan at Camotes Islands)
Hilagang-silangang bahagi ng Bohol
Hilagang bahagi ng Negros Occidental
Hilagang-silangang bahagi ng Capiz at Iloilo
Mindanao:
Dinagat Islands at Surigao del Norte
















