Pumangalawa sa ranggo ng Miss Universe 2025 hot picks ng kilalang beauty pageant observer na Missosology ang Filipino beauty queen na si Ma. Ahtisa Manalo, na tinaguriang “leading the pack” sa kanilang pinakabagong listahan na inilabas nnitong Biyernes, Nobyembre 7, 2025.
Ayon sa Missosology, namumukod-tangi si Manalo hindi lamang sa kanyang poise at kumpiyansa, kundi pati na rin sa kanyang kwento.
Binanggit din ng pageant platform na ang kanyang panalo ay magkakaroon ng “symbolic weight” sa kultura ng pageant sa Pilipinas.
Kabilang pa sa mga nasa listahan ng frontrunners ang Colombia – Vanessa Pulgarin (ikalawa), Croatia – Laura Gnjatovic (ikatlo), Puerto Rico – Zashely Alicea (ikaapat), at si Thailand – Praveenar Singh (ikalima) na isa rin na borito bilang crown contender.
Sa kabuuan, 122 kandidata ang nakikipagtagisan sa titulong Miss Universe 2025, na gaganapin sa Thailand sa Nobyembre 21.
















