Nakarating na sa Vietnam ang pambato ng Pilipinas sa gaganaping Miss Cosmo International pageant, si Miss Cosmo Philippines 2025 Chelsea Fernandez.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Chelsea Fernandez ang kanyang pananabik sa magiging pageant journey sa international stage. Kalakip ng kanyang post ang larawan kung saan hawak niya ang Philippine flag at nakasuot ng eleganteng áo dài-inspired na kasuotan bilang pagpupugay sa kultura ng Vietnam at sa mainit na pagtanggap sa kanya.
Lumipad si Chelsea patungong Vietnam noong Miyerkules, Nobyembre 26, para sa ikalawang Miss Cosmo International pageant na nakatakdang ganapin sa Disyembre 20 ngayong taon.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na nirepresenta ni Chelsea ang Pilipinas sa international stage. Siya rin ang naging pambato ng bansa sa Miss Globe 2022, kung saan nakapasok siya sa Top 15.
Samantala, si Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo ang unang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Cosmo International pageant noong 2024, at siya ay nakabilang sa Top 10 finalists.
















