All set na ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo sa gaganaping Miss Universe (MU) Preliminary at National Competition sa Miyerkules, Nobyembre 19.
Matapos ang tour sa Phuket at Pattaya, kung saan dumaan ang mga kalahok sa mga pre-pageant activities, bumalik na sa Bangkok ang 120 delegado ng Miss Universe.
Natapos narin ang kanilang closed-door interview ng na ginanap noong Nobyembre 15 sa Pattaya, kung saan kabilang sa panel si Filipino singer Louie Heredia at beauty entrepreneur na si Olivia Quido-Co.
Ayon sa organizers mag-uumpisa ang National Costume Competition bandang ala-2 ng hapon sa Pilipinas na gaganapin naman sa Hall 2, Impact Challenger, Nonthaburi, Thailand.
Habang ang Preliminary Competition ay gaganapin mula Nobyembre 19, pasado ala-7 hanggang alas-9 ng gabi o (8:00–10 P.M. sa Manila)
sa kaparehong venue.
Gawa ang national costume ni Ahtisa ng kilalang designer na si Mak Tumang, isa sa mga nag-desenyo rin ng iconic red lava gown ni Catriona Gray noong 2018.
Hinimok nnaman ni Ahtisa ang Pinoy pageant fans na patuloy na bumoto para sa kanya sa pamamagitan ng Miss Universe platform kung saan nangunguna ang beauty queen sa People’s Choice Award na magbibigay sa kanya ng automatic spot sa Top 30.
Samantala nakatakda namang ganapin ang grand coronation night ng MU sa Nobyembre 21 sa Impact Challenger sa Nonthaburi kung saan ang bagong format ay magsisimula sa Top 30 na magpapakita ng kanilang swimwear na gawa ng kilalang Fillipino brand, at ang Top 10 naman ay magsusuot ng kanilang evening gowns para sa finals.
Ayon kay Ahtisa, susuotin niya ang final gown na gawa ni Val Taguba, tulad disenyong ginawa niya sa Miss Universe Philippines 2025 preliminaries.















