-- Advertisements --

Bumida ang dalawang obra maestra ni Mak Tumang sa naganap na Miss Universe 2025.

Inirampa ng pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo ang national costume na dinisenyo ni Mak na tinawag na “Festejada” bilang simbolo ng mayamang kultura ng pista sa Pilipinas.

Pinangalanang “Pinctada” naman ang kanyang gown, isang obra na inilalarawan bilang kasuotang “isinilang mula sa ilalim ng dagat.”

Nagpasalamat si Mak kay Ahtisa at sa organisasyon ng Miss Universe Philippines sa pagkakataon at sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Labis namang ikinatuwa ng Filipino pageant fans ang detalyadong disenyo at konseptong nakapaloob sa mga obra ni Mak Tumang. (Betha Servito)