-- Advertisements --
Nasa 24-oras na medikal na pangangalaga na si Miss Universe Jamaica 2025, Dr. Gabrielle Henry, halos tatlong linggo matapos ang pagkahulog sa preliminary competition sa Thailand.
Ang aksidente ay nagdulot sa kanya ng intracranial hemorrhage, bali, galos sa mukha, at iba pang pinsala. Inaasahang babalik siya sa Jamaica sa kapag natapos ang kanyang karagdagang paggamot.
Una nang inako ng Miss Universe Organization (MUO) ang buong responsibilidad sa insidente at sinabing sasagutin ang lahat ng gastusin sa kanyang medical treatment.
Nagpasalamat si Gabrielle at ang kanyang pamilya sa MUO, mga tagasuporta, at sa international communities ng Miss Universe, habang tiniyak ng organisasyon na ang beauty queen ay walang pananagutan sa aksidente.
















