-- Advertisements --

Tinutulan ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres ang naging pahayag ni reigning Miss Universe (MU) Fatima Bosch tungkol sa kahalagahan ng “good passport” na isa sa mga umano’y bagong requirements ng MU para maiuwi ng kandidata ang korona.

Ayon kasi kay Fatima, na sinang-ayunan ni Miss Universe Organization (MUO) president Raul Rocha, kailangan ng mga kandidata ng madaling access sa pagbiyahe dahil sa papel na ginagampanan ng isang reigning queen, isa narito ang pag-libot sa buong mundo para ipakilala ang organization at mga adbokasiya ng kumpanya.

Ngunit para kay Dayanara, hindi hadlang sa mga kandidata ang kanilang visa o passport para manalo ng MU. Tinuligsa din ng dating MU ang ideya na maaaring makaapekto ang isyu ng visa sa para sumali ang isang kandidata sa nasabing prestisyosong pageant.

‘At least in other years, it’s not like that. Everyone [can] go. Everyone can participate. Everyone has an equal chance to win. If this is so, then don’t send girls who are going to have a problem with [their] visa. That’s not fair,’ ani Dayanara sa isang Spanish podcast.

Isang buwan matapos ang pagkapanalo ni Fatima bilang MU, patuloy ang mga kritisismo at mga isyu ng alegasyong pandaraya at ang umano’y negosyo ng ama ni Fatima na may koneksyon kay Raul.

Ang mga isyung ito ay pinalala pa ng mga hindi pagkakatugma sa mga patakaran ng pageant.

Bagamat nahaharap sa mga kontrobersiya, iginiit parin ni Fatima na siya ay nanalo ng tapat.

Magugunitang si Fatima ay kinoronahan sa Bangkok, Thailand, kung saan isa sa mga host ng pageant si Dayanara, kasama si Miss Universe 2023 R’Bonney Gabriel.